Words of Wisdom:

"Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one's definition of your life; define yourself." - Diane

Technology

  • Date Submitted: 01/12/2011 04:47 AM
  • Flesch-Kincaid Score: 27.7 
  • Words: 5569
  • Essay Grade: no grades
  • Report this Essay
ARNEL PINEDA
Si Arnel ay isinilang noong ika-5 ng Setyembre 1967, panganay sa apat na magkakapatid, at lumaki sa Sampaloc, Maynila. Isa ang kanyang ina sa may malaking impluwensya sa kanyang buhay, maging sa kanyang musika. Pinilit siyang mapag-aral nito sa isang Katolikong paaralan sa paniniwalang makakakuha siya ng magandang edukasyon dito. Naging mahusay siya sa pag-aaral at naging aktibo sa mga organisasyon sa paaralan tulad ng glee club at rondalla. Madalas din siyang kumanta sa mga programa ng paaralan, kaya naman siya ang napili na kumanta sa isang national quiz bee. Ito ang unang pagkakataon na napanood siya sa telebisyon habang kinakanta ang ‘Gaano kita Kamahal’ ni Celeste Legaspi.
Nang mamatay ang kanyang ina, naghirap ang kanilang pamilya at napilitang tumigil sa pag-aaral ang magkakapatid. Nagkahiwa-hiwalay sila nang dalhin sa ilang kamag-anak ang kanyang mga kapatid. Sumali siya sa bandang “Hijos” bilang isang bokalista. Bagamat bukod-tangi na ang husay ni Arnel sa pag-awit, kinailangan niyang hasain pa ang kanyang boses at sanaying kumanta ng mga 70s at 80s ‘’rock’’ na iba ang istilo mula sa kanyang paboritong Beatles at mga awit kundiman.
Makalipas ang ilang taon, ang Hijos ay pinalitan ng “AMO Band”, na nagsimulang sumali sa iba’t ibang kumpetisyon. Nakarating ang grupo nila sa Olongapo, ]]Makati]], at Singapore sa pagsali sa mga kumpetisyon at pagtugtog sa mga bar, at maging sa telebisyon. Ang tagumpay na ito ni Arnel ang dahilan kung kaya’t napag-aral niya ang isang kapatid.
Sa edad na 20, naging ama si Arnel. Ang relasyong ito ay hindi nagbunga ng magandang pagsasama. Maging ang sumunod na relasyon, na nagbunga rin ng isang supling, ay hindi nagtagal. Mula Pilipinas ay nagtungo siya sa Hong Kong upang tuparin ang pangarap na maging isang rakista. Ngunit dahil sa problemang pangkalusugan, unti-unting nasira ang kanyang boses. Bumalik siya sa Pilipinas upang ipasuri ang kanyang kalagayan. Masamang balita ang hatid ng mga doktor na nagsabing...

Comments

Express your owns thoughts and ideas on this essay by writing a grade and/or critique.

  1. No comments