Words of Wisdom:

"when your think your fooling them, their fooling you." - Uncivilbanks

Puerta Del Parian at Revellin Del Parian

  • Date Submitted: 04/16/2011 06:35 AM
  • Flesch-Kincaid Score: 23.1 
  • Words: 967
  • Essay Grade: no grades
  • Report this Essay
Puerta del Parian at Revellin del Parian

      Noon, hindi ako masyadong pamilyar sa mga makasaysayang lugar at marka sa ating bansa. Kaunti lamang ang alam ko dahil hindi ako madalas nagagawi sa mga lungsod tulad ng Maynila na tunay na mayaman sa mga replika ng ating kasaysayan. Ngunit sa tulong ng suwetong ito na Kasaysayan 1 sa ilalim ni Propesor Richard Ernacio, nagkaroon ako ng mas malawak na kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas at ng pagkakataon na makapunta sa Maynila upang makita ng personal ang ilang makasaysayang pook at monumento na tunay nga namang mahalaga sa ating mga Pilipino.

      Ang napunta sa aking lugar ay ang Puerta del Parian at Revellin del Parian na matatagpuan sa Intramuros sa Maynila. Sa aming klase ay wala akong nakitang kapareha kaya nagpasya kaming magkakaklase sa kursong Edukasyon na sabay-sabay na lang pumunta sa Maynila kahit na iba-iba ang mga lugar na nabunot namin upang magabayan na rin ang mga taong tulad ko na hindi kabisado ang pasikot-sikot sa Maynila. Ito din ay isang magandang paraan upang mas madami kaming makita na makasaysayang pook. Pito kaming nagpunta noong Agosto 21, araw ng Sabado. Kasama kong nagpunta ang mga kaibigan kong sina Godinez, Palado, Baldonado, Nacua, Dery at Palafox. Nagpasya kaming magkita-kita sa harap ng NCBA ng 8:30 ng umaga ngunit dahil na din sa tinatawag na Filipino time ay 10:00 ng umaga na kami nakaalis. Nagpasya kaming unang puntahan ang Mendiola na nabunot   ni Baldonado. Doon ay madami kaming nakitang mga Unibersidad maging ang Mendiola Peace Arch. Pagkatapos ay nagtungo kami sa Quiapo na napili naman nila Nacua at Palafox. Bukod sa pagpunta sa Plaza Miranda, sumaglit din kami sa simbahan ng Quiapo upang magdasal. Noong araw na iyon ay ginugunita din ang anibersaryo ng Plaza Miranda Day Bombing. Pagkatapos ay nagpunta kami sa Manila City Hall upang puntahan ang estatwa ni Leon Maria Guerrero na nabunot ni Palado. Matapos ang mahabang biyahe sa bus, tren, dyip at mahabang lakaran,...

Comments

Express your owns thoughts and ideas on this essay by writing a grade and/or critique.

  1. No comments