Words of Wisdom:

"Life is about taking risks, if you're not taking risks you're not living life. Wait, I think somebody already said that...?" - BemTexcycle

Ang Biograpiya Ni Andress Bonifacio

  • Date Submitted: 03/14/2010 04:29 AM
  • Flesch-Kincaid Score: 12.5 
  • Words: 667
  • Essay Grade: 5,00 /5 (4 Graders)
  • Report this Essay
Biograpiya ni Andres Bonifacio
[pic]Si andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang   ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho

Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.

Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat...

Comments

Express your owns thoughts and ideas on this essay by writing a grade and/or critique.

  1. beautiful
    •  
    • Mar 14, 2010 - Evaluator: (aprilcatubig)
    • it is interesting to the readers congrats!
  2. beautiful
    •  
    • Mar 14, 2010 - Evaluator: (aprilcatubig)
    • it is interesting to the readers congrats!
  3. beautiful
    •  
    • Mar 14, 2010 - Evaluator: (aprilcatubig)
    • it is interesting to the readers congrats!
  4. beautiful
    •  
    • Mar 14, 2010 - Evaluator: (aprilcatubig)
    • it is interesting to the readers congrats!