Words of Wisdom:

"Essay Depot is a college students dream come true." - Mistystar

Filipino Short Story

  • Date Submitted: 12/19/2010 06:19 AM
  • Flesch-Kincaid Score: 41.6 
  • Words: 3671
  • Essay Grade: no grades
  • Report this Essay
Si Muning, Ang Pawikan, at Ang Kalikasan
ni   Sinag

      Nasa ika-anim na baytang ang anak naming si Miriam. Umuwi siya isang hapon mula sa pinapasukang pampublikong paaralan na may dalang kuting. Payat at halos magkakadikit pa ang mga talukap ng mga mata ng kuting dahil sa kapal ng natutuyong muta.
“Wow… may muning na tayo,” bulalas ni Junior, ang bunso namin.
Agad na inasikaso ng magkapatid ang kuting. Naglagay ng mantika sa isang malinis na basahan si Miriam at nilinis ang mga mata ng pusa. Nang lumabas si Junior sa kanilang silid ay dala na niya ang isang kahon ng sapatos.
“Ate dito na natin ilagay ang kuting,” ang sabi ni Junior sa kanyang kapatid. “Sandali lang, linisin muna natin itong kuting,” sagot naman ni Miriam.
Habang pinapanood ko ang magkapatid sa pag-aasikaso sa kuting, may kung anong kaligayahan ang naramdaman ko. Naalala ko ang sinabi ng isa kong kasamahan sa trabaho na mabait daw ang mga taong may pagpapahalaga sa mga hayop. Parang gusto kong maniwala sa sinabing iyon ng kasamahan ko. Dahil sa lugar namin ay maraming tao na kumakain ng karneng aso, isama pa ang mga balita ngayon sa mga restawran na nagluluto ng mga “exotic foods,” kasama ang mga “endangered animals” o mga hayop na madali nang maubos ang lahi pero patuloy pa ring hinuhuli, ipinagbibili at kinakain ng ilan nating mayamang kababayan.
Muning ang napagkaisahan naming pangalan sa bagong saltang kuting.
“Ate Miriam, paano si Muning kapag dumating na si Itay?” tanong ni Junior sa kapatid na mapapansin ang labis na pag-aalala sa bagong alaga.
“Itago na lang muna natin sa kusina.” sagot ni Miriam sa bunsong kapatid na hindi pa rin mapalagay.
“Baka umingaw si Muning at marinig ni Itay, lagot tayo!” pangangatwiran pa ni Junior sa kanyang Ate Miriam.
Hindi sumagot si Miriam. Nasa mukha niya ang pag-iisip kung paano nila maitatago sa paningin at pandinig ng kanilang ama ang bago nilang pulot na kuting.
Maraming beses nang may dumating sa aming pusa at aso subali’t dahil...

Comments

Express your owns thoughts and ideas on this essay by writing a grade and/or critique.

  1. No comments